Ano nga ba ang "kuwentong-bayan"?
Ang kuwentong-bayan ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa mga likhang-isip na kumakatawan sa mga uri ng sinanunang mamamayan at kanilang mga pamumuhay. Kadalasang maiuugnay ang mga kuwentong-bayan sa isang tiyak na pook ng isang lupain. Maaring maiugnay ang kuwentong-bayan sa alamat dahil katulad ng alamat, ang kuwentong-bayan ay nanantili lamang dahil sa pasalin-salin nito mula sa mga bibig ng mga tao. Ang alamat ay maari ding maging isang uri ng kuwentong-bayan.
Ang Kuwentong Bayan at Alamat ay isang blog na naglalayong tulungan ang mga Pilipinong estudyante sa kanilang mga takdang aralin, proyekto at pag-aaral.
Showing posts with label Ano Nga Ba. Show all posts

Ano ang Alamat?
Ano nga ba ang "alamat"?
Ang Alamat ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang pinatutungkulan ng mga alamat ang pinagmulan ng mga tunay na tao, hayop, halaman o pook at mayroong pinagbatayang kasaysayan. Ang alamat ma'y nagkukuwento ng mga "pinagmulan" ng mga bagay-bagay, ang sarili naman nito ay di tiyak ang pinagmulan. Ang alamat ay nagpasali-salin lamang sa mga bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari sa akdang ito. Madalas na ang bawat lalawigan ng Pilipinas o ibang bansa ay may mga mahihiwagang alamat na nagtuturo ng mga aral sa mga kabataan. Marahil sa kadahilanang ito, ang alamat ay naging magandang instrumento sa pagtuturo sa mga paaralang elementarya at segundarya sa ilalim ng asignaturang Filipino (o Pilipino).

Subscribe to:
Posts (Atom)