Ano ang Alamat?

Ano nga ba ang "alamat"?

Ang Alamat ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang pinatutungkulan ng mga alamat ang pinagmulan ng mga tunay na tao, hayop, halaman o pook at mayroong pinagbatayang kasaysayan. Ang alamat ma'y nagkukuwento ng mga "pinagmulan" ng mga bagay-bagay, ang sarili naman nito ay di tiyak ang pinagmulan. Ang alamat ay nagpasali-salin lamang sa mga bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari sa akdang ito. Madalas na ang bawat lalawigan ng Pilipinas o ibang bansa ay may mga mahihiwagang alamat na nagtuturo ng mga aral sa mga kabataan. Marahil sa kadahilanang ito, ang alamat ay naging magandang instrumento sa pagtuturo sa mga paaralang elementarya at segundarya sa ilalim ng asignaturang Filipino (o Pilipino).

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...