"The Legend of the Bitter Gourd"
Noong unang panahon, sa isang mahiwagang lupain na kung saan ang mga gulay na ating kinakanin ngayon ay may sariling isip at diwa. Tinawag itong lupain ng sariwa na kung saan ay tinutubuan at pinamamahayan ng iba't uring ng gulay.
Sa lupaing iyon ay naroon si kalabasa na may kakaibang tamis, si kamatis na may masutlang kutis, si labanos na labis ang kaputian, si luya na may natatanging anghang, si mustasa na may luntiang pisngi, si patola na maganda ang pagkapantay ng gaspang ng balat, si singkamas na kakaibang lutong, si sibuyas na may manipis at nakakaiyak na balat, at si Talong na may malalim na lila ang kutis. Lahat ay natatangi at may kakaibang maipagmamalaki. Sa kakaibang lupain na ito ay tuloy tuloy ang pagusbong ng mga bagong halaman at ito ay malugod namang tinatanggap ng mga naunang halamang umusbong pa dito. Isa sa ma bagong halamang umusbong ay ang kakaibang si Ampalaya. Si Ampalaya ay kakaiba sa aspeting ang kulay ng kanyang balat ay napakaputla at ang kanyang lasa hindi maipaliwanag.
Sa paglipas ng mga araw ay nagsimulang gumpang ang inggit ni ampalaya sa mga kasamahang gulay. Bagamat tanggap at nais siyang makasalamuha ng ibang gulay sa lupain ay pilit niya itong itinutulak papalayo. "Huwag kayong lumapit! Hindi ko kayo kailangan! Lumayas kayo! Huwag ninyo akong dikitan!" ang pasigaw na babala ni amapalaya sa mga nagmamagandang loob na bungang nais lamang siyang kaibiganin. Dahil sa paulit ulit na pagtataboy sa mga kasama ay nilayuan nga siya ng mga ito. Sa halip na matahimik sa piniling buhay ay patuloy na kinain ng inggit at galit ang puso ni ampalaya.
Isang maalinsangang gabi ay namulaklak ang maitim na balak ng mapag-isang si ampalaya laban sa kanyang mga kasama. "Kailangan ko dng magkaroon ng natatanging lasa, kulay, at ganda katulad ng ibag mga gulay!. Kung hindi man ay mahgitan pa sila!" ang bulong ng ganid na ampalaya habang pinaghahandaan ang pagsasagawa ng kanyang maitim na balak. Sa kalaliman ng madilim na gabi, ay dahan dahang gumapang sa mga balag ng mga walang kamalay malay at natutulog na gulay si Ampalaya. Doon ay kinuha niya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay sa bayan. Kinuha nya ang tamis ni kalabasa, ang anghang ni luya. Isinilid din niya sa bayong na dala ang nakasampay na kaputian ni labanos, kakinisan ni kamatis, gaspang ni patola, ang manipis na balat ni sibuyas, at ang lilang kutis ni mustasa. Ipinuslit din nya ang lutong ni singkamas.
"Hahahaha! Sa wakas nasa akin na ang lahat ang mga natatanging lasa, kulay, ganda, at katangian ng mga gulay. Ako naman ang kaiingitan nila!" ang bulong ni amapalay sa sarili habang ito ay paalis sa kanyang mga biktima.
Kinabukasan ay sumaog ang balita ng malawakang nakawan na naganap sa bayan ng sariwa. Nagtipon-tipon ang mga gulay upang pagusapan ang kalapastanganang naganap, ngunit ito ay naisantabi ng makita nila ang isang kakatangi tanging gula, isang dayuhang gulay. Ang dayuhang gulay ay may iba't ibang kulay ng balat, magkahalong kinis at gaspang at samu't saring masasarap na lasa. Ang dayuhang gulay ay pinagkaguluhan. Lingid sa kaalaman ng lahat ayun ay ang mapangahas na si ampalaya na lihim na naghuhumiyaw sa tuwa sa kasikatan at pagpupugay na natatanggap sa mga kasamahang dating umiiwas sa kanya.
Ngunit ani nga sa kasabihan, walang lihim na di nabubunyag. Naging mapaghinala ang ilang gulay sa biglang pagdating ng bagong gulay na tila ba kasabay ng nakawang naganap kinagabihan. Sa pamumuno ni kamatis ay palihim nilang sinundan ang dayuhang gulay ng umuwi ito ay umuwi sa balag nito. Nagkubli ang mga gulay at nabigla sa natuklasan. Habang hinuhubad ng dayuhang gulay ang makukulay nitong balat at lasa ay lumabas ang gulay sa likod nito... si ampalaya.
Hinuli at ihinarap ng mga gulay ang tusong si ampalaya sa diwata ng lupain. Sa harap ng mga gulay ay nilitis si ampalaya. Nangako ang diwata na muling manunumbalik ang mga nawalang katangian na ninakaw ng bugnuting si ampalaya.
"Hindi pa nililikha ang magtataglay ng lahat ng katangian ng mga gulay. Bilang parusa, mananatili sa iyo ang lahat ng ninakaw mong katangian ng mga kasamahan mong gulay." ang paghuhusga ng diwata kay amapalaya. Lihim namag natuwa ang nagipit na si ampalaya. "Anong uri ng parusa iyon?" ang mapanlamang na bulong ni ampalaya sa sarili. Nagkatingina na lamang ang mga ninakawang gulay at nagtiwala sa matalinong karunungan ng diwata.
Nang matapos ang paglilitis ay muli ngang bumalik sa mga ninakawang gulay ang kanilang mga nawalang lasa, kulay, at ganda. Laking tuwa naman ni ampalaya na siya ay nakatakas sa kasalanang ginawa ngunit ilang saglit lamang ay may kakaibang nangyari sa kanya. Nag-away ang lahat ng lasa ng ninakaw ni amapalaya sa loob ng kanyang katawan. Nangulubot ang kanyang balat ng magtagisan ang kakinisan at akagsapangan ng kanyang mga ipinuslit. Nagsilbing madilim na mantsa sa kanyang dating makulay na balat ang naghalu-halong mga kulay.
Mula noon ay naging hindi na kaaya-ayang tignan at kainin si ampalaya. Nagsisis at nagpakumbaba na ang gulay na ito. Sa likod ng tila ba sumpang parusa sa kaniya ay nagtatago ang kakaibang sustansya na mula sa kapaitan ng mga naghalong lasa.
1 comment:
Titanium Flat Iris - The Tinting, Noise, Noise, Noise, Noise - Titanium
Titanium Flat titanium bars Iris. £5.00. titanium nose hoop In stock at shop.titanium-arts.co.uk. Add used ford fusion titanium to wishlist. Description. Tinting, Noise, Noise, Noise, Noise, Noise, Noise, Noise. Rating: 5 titanium trimmer as seen on tv · 1 review · £5.00 titanium mens rings · In stock
Post a Comment