Ang Alamat ng Pinya

Ang Alamat ng Pinya
"The Legend of the Pineapple"

ang alamat ng pinya kuwentong bayan at alamat


Noong unang panahon, may isang mag-inang namumuhay na magkasama. Sila ay ang mag-inang sina Pinang at si Aling Rosa. Kahit na mahirap lamang sila, hindi ito naging hadlang upang hindi ibigay ni Aling Rosa ang lahat ng kahilingin ng nag-iisang anak na si Pinang. Dahil sa natatanging pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak, lumaki sa layaw si Pinang, naging tamad at matigas ang ulo nito.

Isang araw ay nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Maski ang simpleng pagbangon ay nahihirapan itong gawin. Tinawag niya ang kanyang anak na kasalukuyang nakikipaglaro sa kanyang mga kapitbahay. "Pinang, anak ipagluto mo ko ng lugaw", nanghihinang pakiusap ng ina. Ipinaliwanag ni Aling Rosa kung papaano ihanda at iluto ang lugaw at padabog na umalis si Pinang upang hagilapin ang mga kakailanganin sa pagluto ng kakanin nilang mag-ina.

Dahil sa sadyang katamaran at sa nakasanayan na ang ina ang gumagawa ng gawaing bahay ay padabog at kunot noong kinuha ni Pinang ang kaldero at hinanda ang kalan sa kusina. Dahil sa sadyang walang alam sa gawaing bahay, hindi alam ni Pinang sa kung saan nakatabi ang bigas. Agad ngunit padabog siyang bumalik sa kuwarto ng init upang tanungin kung nasaan ang bigasan. "Nasa loob lang ng sako ang bigas, sa tabi ng kalan, anak." ani ng hapong hapong ina. Bumalik sa kusina si Pinang at nakita nga ang bigas at hinanda na ang lulutuing lugaw. Dali-dali niyang nilagay and bigas sa kaldero, tinubigan at isinalang sa kalan. Imbis na bantayan ang sinasalang ay bumalik ito sa pakikipaglaro sa mga kaibigan kapitbahay.

Nang marinig na kumukulo na ang isinalang ay muling tinawag ni Aling Rosa ang naglalarong si Pinang. Matapos marinig ng ina na ang pagpasok ng anak ay natulog na si aling Pinang upang makabawi ng lakas at gumaling sa kanyang karamdaman. Mabigat ang loob na binalikan ni Pinang ang niluluto ngunit ng hahaluin nya ito ay hindi niya makita ang sandok. Sa halip na hanapin ay tinungo ni Pinang ang kuwarto ng ina, ginising ito ng tanong na tila ba nanaunumbat pa. "Nasaan ba kasi ang sandok!?!" pasigaw na tanong ni Pinang. Dito na napuno ang ina. "Bakit kasi parating bibig ang ginagamit mo sa paghahanap? Sana’y tubuan ka ng napakaraming mata para madali mong mahanap ang mga kagamitan." ang tugon ng nagalit na ina sa di naangkop na pakitungo ng anak sa kanya. Padabog namang bumalik sa Kusina ang nagmamaktol na si Pinang at wala nang narinig pa si Aling Rosa sa kabuuan ng gabi.

Kinaumagahan, gumaan na ang pakiramdam ni Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang anak ngunit hindi niya ito mahagilap. "Maaring nakikipaglaro lamang ito sa mga kapitbahay", isip-isip ni Aling Rosa. Tinungo din ng kagagaling na ina ang mga bahay ng madalas kalaro ni Pinang ngunit wala din dito si Pinang. Upang libangin ang sarili at hindi masyadong mag-alala napagpasyahan munang magwalis-walis sa bakuran ng tahanan nila si Aling Rosa. Isang kakaibang halaman ang napansin ni Aling Rosa sa kanyang pagwawalis sa bakuran. Ito ay may hugis ulong dilaw na bunga at napapalibutan ng mga tila bang mata. Naalala niya ang sinabi niya sa anak ng siya ay may sakit at nagalit noong kinagabihan. "Ito na nga kaya si Pinang?" sinabi ni Aling Rosa habang takip ang dalawang kamay sa kanyang bibig upang itago ang pagka mangha, gulantang, at takot.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...